LynnConway.com Web

Pahinang Tahanan ni Lynn Conway   

 

Lynn Conway

Siyentipiko ng Kompyuter,
Enhinyera Elektrical,
Imbentor

Tagapamahala ng Pananaliksik,
Tagapagturo ng Enhinyera
 

(English)

 

 

Mga Paliwanag ng Tagapagsalin

 

Filipino translation by Gwynneth Arrowsmith

 

 

 

[I-klik ang litrato para sa mas mataas na resolusyon]

Professor of Electrical Engineering and Computer Science, Emerita

University of Michigan, Ann Arbor, MI

 

Tungkol sa website:

(fi) = Filipino

 

Sa website na ito ang adhikain na matalakay at mabigyang linaw ang mga isyu ng gender identity at ang mga prosseso ng gender transition. Sinimulan ang proyektong ito nuong taong 2000, nang ako’y nagdadalawang isip na ihayag ang aking nakaraan sa mga katrabaho. Nais ko pong maikuwento ang aking nakaraan sa transisyon bilang lalaki patungong babae tatlumpong taon (1968) na ang nakaraan. At kung paano binunyag nuong 1999 matapos ang matahimik at matagumpay na pamumuhay sa sekretong kalagayan.

Simula pa nuong umpisahan gawin ang website, dumarami na ang mga taong aking nakapanayam na nag-aalala sa mga isyu ng gender. Ito’y sa pamamagitan ng e-mail at mga personal na pakikipagkita sa mga taong sa proseso ng transisyon o nakapagtapos na nito. Dahil patuloy pa rin ang pagkamuhi ng lipunan , pagka-ignorante at mga pamihiin sa mga isyung ito, ako’y nakaramdam na kailangan ang impormasyon, pagbibigay ng lakas ng loob at pagasa para matulungan ang iba na nahihirapan sa mga isyung ito.

Ang resulta ng aking pakikipagpanayam sa mga libo-libong mga taong TG/TS/IS sa nakalipas na mga taon, ang website na ito ay nagging sentro ng impormasyon at suporta para sa mga transgender at transsexuals. Ang site na ito sa kasalukuyan ay nagsasalamin ng tahasang pag-aaral at aktwal na pagtatrabaho sa mga pag-ulat ng mga resulta’t obserbasyon tungkol sa halos isinasawalang bahalang minorya na marami pa ring mga maling pamahiing umiikot dito.

Ang trabahong ito ay ginagawa kahalintulad ng pag-iimbestiga ng isang mamahayag sa kanyang lokasyon. Ang mga sinasabing imbestigasyon ay dinidiskusyon at siyang inaakay ng mga personang malawak ang karanasan sa mga isyung ito. At ang mga nasabing persona ay marami na rin ang naiambag na tulong, karunungan at impormasyon tungkol sa gender transition hango na rin sa kanilang mga personal na karanasan.

Ang istruktura ng website ay hindi pa pormal at mabilis pa ring lumalago kasabay ng makabagong mga kaalaman at impormasyon. Ito po ay sinisimulan ng aking talambuhay. Talambuhay ng isang indibidwal na maagang nagsimula ng gender transition na nagging matagumpay sa huli. Ang kuwento ay nagbibigay din ng mahalagang impormasyon sa pagkilala ng gender.
 
 
 Talambuhay ni Lynn   Mga Litrato/Larawan  Mga libangan at araw-araw na pamumuhay
 Biographical Sketch  Mga Balitang Naiulat Ang kasal sa Isla ng Mackinac
 Pagbabliktanaw ni Lynn  Bunga ng Pananaliksik  Website Map & Links
 
 
Ang website na ito ay nagtataglay din ng mga ilan pang mga impormasyonal na mga website at mga reference links na palaging updated tungkol sa pagkilala ng gender at gender transition sa kagustuhang na matulungan ang iba pa na bumabalak o posibleng sumailalim rin sa ganitong transisyon. Ang site ay nagdadala din sa inyo sa mga webpages na nagtataglay ng mga litrato at kuwento ng mahigit sa 200 kataong nakapagkumpleto na ng transisyon.(Lalaki patungong Babae (MtF) at mga babaeng patungong lalaki (FtM) ). Ang mga kuwento ng tagumpay hango sa tunay na buhay ay siyang magbibigay lakas ng loob, pagasa at wastong modelo para sa iba, lalo na sa mga kabataang transgender at transsexual na malaki ang pangamba sa kanilang magiging bukas. Ang kaalaman hango sa tunay na karanasan at ang mga “role model” sa tunay na mundo ay malaki ang maitulong para mabawasan ang takot ng mga kabataan. Isang malaking hakbang na siyang magbigay inspirasyon sa kanila para labanan ang mga hamon sa buhay at mabigyang liwanag ang mga daan para sa kumpleto’t masayang buhay.

 
TG/TS/IS Gender Basics  Mga Tagumpay ng mga Babaeng Transsexual   Facial Feminization Surgery
Transgenderismo   Mga Tagumpay ng mga Lalaking Transsexual   Operasyon ng Pagpapalit-Kasarian (SRS)

Transsexualismo

(Lalaki patungong Babae)  

Resources para sa mga Babaeng Transsexual Mga Isyu ng Transisyon sa Kolehiyo
Pamamlagi ng Transsexualismo TG/TS/IS Links Buhay Pagkatapos ng Transition
 
 
Palagi ko pong tinatanggap ang mga bagong kaisipan at impormasyong praktikal, pati na rin ang mga kritikong puna tungkol sa aking website. Puwede ninyo akong pakitunguan sa pamamgitan ng e-mail address sa ibaba kung may mga kaisipan kayong nais iambag. Sa kasalukuyan tayong mga transgender at mga babeng transsexual ay nagpaparinig na n gating mga tinig kaysa manahimik habang ang mga makalumang “psychiatric establishment”, sex obsessed “sex researchers” (katulad ni J. Michael Bailey*), mga komedyante, mga pahayagang tabloid at ang mga konserbatibong relihiyon ay nagkakalat mga maling impormasyon tungkol sa atin.

Sa direktang paghahayag ng ating mga karanasan sa buhay, makakatulong tayo sa pagbibigay ng wastong kaalaman at nararapat na karunungan sa mga isyung transgender. Mahalaga ito para Makita tayo ng lipunan bilang tao, kapantay kahit kaninuman. Sa ganitong paraan, marami ang matulungan nating makapanmuhay ng tahimik at maligaya sa isang lipunang nakakaintindi at payapa.
 
 
Prof. Lynn Conway
3640 CSE Bldg.,
University of Michigan,
Ann Arbor, MI 48109-2121

USA

 
http://www.lynnconway.com
 

 

 


 

 

Tingnan ang bagong pinalawak na seksyon tungkol sa Pagtatransisyon ng Maaga sa Buhay,

na naglalakip ng mga link sa kuwento ng mga kabataang transsexual:

 

 

Talambuhay ni Johanna (Germany)

English, Español, Français,

Deutsch, Italiano, Polski

Talambuhay ni Danielle (USA)

English, Español, Français,

Português, Deutsch (NEW!)

Talambuhay ni Nicole (Netherlands)

English, Español

 

 

 

 


 

 

*Para sa Dagdag Kaalaman sa imbestigayong Bailey:

J. Michael Bailey Investigation

Andrea James' BBL Clearinghouse
 
Andrea James, Lynn Conway, and Calpernia Addams
Chicago, Illinois, July 19, 2003
[I-klik ang litrato para sa mas mataas na resolusyon]
 

Balitang V-day sa L.A mula kay Calpernia Addams at Andrea James.

Link para sa mga litrato at impormasyon tungkol sa mga gumanap!

Transsexual Road Map.

 


Nuong Sabado, Pebrero 21 ay iprinisenta ang V-Day 2004 Worldwide Campaign for Los Angeles na inihandog ng Deep Stealth Productions. Sa pakikpagtulongan ng manunulat na si Eve Ensler at sa direksyon ni Jane Fonda. Ang pagganap na ito ay kinabilangan ng mga babaeng transsexual para sa “The Vagina Monologues” na naglalakip din ng bagong monologue na isinulat ni Eve para lamang sa ganitong okasyon.

Ang ganitong okasyon ay isang makasaysayang oppurtunidad para sa lipunanag transsexual na ipakita an gating mga sarili sa positibo at produktibong paraan.  Ang programa ay nagpakita ng mga katangi-tanging babaeng transsexual na gumanap sa “monologue” ni Eve ukol sa mga karanasan ng pagiging babae at pagtanggap sa sarili sa pamamgitan ng pagmamahal at pagrespeto sa ating mga katawan. Ang makasaysayang pagganap na ito ay nagtampok ng mga kontribusyong sining , literaryo, at musika ng mga babaeng transsexual sa loob ng U.S. Ang mga gumanap ay sina: Calpernia Addams, Becky AllisonMarci Bowers, Lynn Conway, Andrea James, Donna Rose, Gwen Smith, Leslie Townsend at marami pang iba. Ang V-Day Los Angeles event ay idinaraos sa Hollywood, Sabado ng gabi noong Pebrero 21, 2004 sa loob ng Silver Screen theatre sa marikit na Pacific Design Center.

May espesyal na publikasyon para sa V-day LA 2004 na ginawa para alaala sa pangyayaring ito at ang dokumentaryo para dito, sa kasalukuyan ay nasa produksyon.

 

 

 

 

[ Reset 7-26-04 ]